Kinumpirma ng Israel na magpapadala ito ng delegasyon sa Qatar sa Lunes upang gawing advance ang mga negosasyon hinggil sa ceasefire sa Gaza.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng mga ulat mula sa Hamas na nagsasabing mayroong ”positive signals” sa sa mga mediators mula sa Egypt at Qatar na layong simulan ang naantalang ika-2 yugto ng mga negosasyon para sa ceasefire.
‘Walang detalyeng ibinigay ang tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu maliban sa kumpirmasyon tinanggap ng Israel ang imbitasyon mula sa mga mediators na suportado ng Estados Unidos.
Samantala, ang tagapagsalita ng Hamas na si Abdel-Latif al-Qanoua ay hindi rin nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa mga pag-uusap.
Ang pangalawang yugto ng mga negosasyon ay dapat sanang nagsimulan ngunit ay naantala isang buwan na ang nakalilipas. ‘Wala naman tugon ang White House, bukod sa naging direktang pag-uusap ng Estados Unidos sa Hamas.
Sa nakaraang linggo, pinilit ng Israel ang Hamas na palayain ang kalahati ng mga natitirang hostages kapalit ng pagpapalawig ng unang yugto ng ceasefire, na nagtapos noong nakaraang weekend, at isang pangako upang makipag-ayos para sa isang pangmatagalang kasunduan sa ceasefire.
Ayon sa mga awtoridad ng Israel, hawak ng Hamas ang 24 na buhay na hostages at ang mga katawan ng 34 na iba pa.
Pumalo na sa matinding tensyon ang sitwasyon matapos putulin ng Israel ang lahat ng suplay ng tulong patungong Gaza, kung saan higit sa 2 milyong tao ang naninirahan, upang pilitin ang Hamas na makipagkasundo.
Nagbabala ang Hamas na ang blockade ay makakaapekto rin sa mga hostages.
Ang ceasefire ay pansamantalang tumigil sa pinakamatinding labanang naganap sa pagitan ng Israel at Hamas na nagsimula mula sa pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023.
Pinayagan ng unang yugto ng kasunduan ang pagbabalik ng 25 buhay na hostages at ang labi ng walong iba pa, kapalit ng pagpapalaya ng halos 2,000 mga Palestinian.
Dahil dito pumayag ang israel na umatras pabalik sa mga buffer zone sa loob ng Gaza na nag ugat naman ng pagka-displaced ng maraming mga Palestinian na nakabalik sa Gaza.
Habang nagpapatuloy ang mga negosasyon, ang mga pamilya ng mga hostages sa Israel ay nagtipon upang manawagan kay U.S. President Donald Trump na pigilan ang muling pag-usbong ng digmaan.
Apela ng mga ito na ang muling pagsisimula ng labanan ay maaaring magdulot ng “kamatayan” sa mga natitirang hostages na hawak ng Hamas.