-- Advertisements --

KALIBO, Aklan-Patay na nang makarating sa ospital ang isang binata makaraang sumalpok sa poste ng street light ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Barangay Poblacion, Lezo, Aklan.

Kinilala ni P/Master Sergeant John Yabut ng Lezo Police Station ang biktima na si Reymark Nacor y Illavera, 26, at residente ng Barangay Malandayon, Malinao, Aklan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano sa piyesta ang driver kung saan, nagmaneho ito ng lasing kaya bumangga sa nasabing poste at sa lakas ng kanyang pagkasalpok, nagkaroon siya ng fatal na injury sa leeg.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang lalake ngunit ideneklarang patay na ng sumuring doctor.