Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapatay siya ng 6 – 7 katao noong Mayor siya ng Davao City .
Ito ay matapos tanungin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kung tototong pumatay ang dating pangulo gaya ng kaniyang binanggit sa nakalipas na pagdinig sa Senado.
Muling tinanong ng mambabatas ang dating pangulo kung siya mismo ang pumapatay. Dito, partikular na tinukoy ni Duterte na 6 o 7 katao ang kaniyang napatay subalit hindi umano niya tiyak kung namatay nga ang mga ito.
Samantala, inamin din ni dating Pangulong Duterte na may pagkakataon na nakapatay siya ng mga police officer na sangkot sa mga krimen noong alcalde siya ng Davao City.
Ginawa ng dating pangulo ang pag-amin nang tanungin ni Kabataan party-list Rep Raoul Manuel kaugnay sa kaniyang war on drugs.
Ayon sa dating Pangulo, marami siyang bulok na pulis sa Davao ng harap-harapan particular na ang mga sangkot sa pagkidnap ng mga tao at rape.
Matatandaan na sa naging pagdinig ng Senado noong Oktubre 28, sinabi ng dating Pangulo na bumuo siya ng 7-man hit squad na binubuo ng mga gangster noong mayor siya ng Davao subalit binawi din ito ni Duterte nang hilingin ng mga Senador na klaruhin ito.