-- Advertisements --
rice farmers
Rice farmers

DAGUPAN CITY- Target ng National Food Authority o NFA Eastern Pangasinan na makabili ng 145,000 na sako ng palay.

Dagsa ngayon ang mga magsasaka sa NFA Eastern Pangasinan sa Binalonan para magbenta ng mga inaning palay.

Nasa P19.00 kada kilo ang buying price ng palay sa NFA, mas mataas ng P4.00 hanggang P5.00 kumpara sa buying price ng mga private traders.

Umaasa ang mga magsasaka na sa pagtaas ng buying price ng palay ay makakabawi sila ng kita.

Bibilhin din umano ng NFA ang mga inaning bulok na palay sa murang halaga bilang tulong sa mga magsasaka.