-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of transportation (DOTr) na magtataas ang pamasahe sa MRT-3 sa susunod na taon.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na inaasahang ipapatupad ang pagtaas ng pamasahe sa unang quarter ng 2024.

Dagdag pa niya, ang pagsasaayos ng pamasahe sa MRT-3 ay magiging katulad ng umento na ipinagkaloob sa LRT Lines 1 at 2, sa P2.29 na karagdagang boarding fee at dagdag na P0.21 kada kilometro.

Aniya, kinakailangan na sigarduhin ng gobyerno na mapapanatili ang tamang pagtakbo ng mga tren, railway system, na kung saan ang pagtaas ng pamasahe ay inilalaan din sa maintenance nito.

Matatandaan ang pagtaas ng pamasahe para sa LRT 1 at LRT 2 ay ipinatupad noong Agosto.

Aniya, ang mga pagtaas ay nilayon upang mabawasan ang halagang inilalaan ng gobyerno para ma-subsidize ang operasyon ng mga tren.

Giit ni Batan na ang gobyerno kasi ay may maraming iba pang mga alalahanin tulad ng edukasyon, kalusugan, at mga serbisyo sa kapakanang panlipunan.