Umaabot na sa halos P180 million ang naitalang pinsala sa agrikultura dahil sa kakapusan ng tubig sa lalawigan ng Bohol.
Kaya agad inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang resolusyon para isailalim ang probinsya sa state of calamity.
Una rito, inirekomenda ni Gov. Arthur Yap at ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang nasabing hakbang upang magamit nila ang pondo bilang tulong sa mga apektado ng krisis.
Sa isinagawang inspeksyon, nakitang natutuyo na ang mga dam na pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon at gripo ng mga residente.
Aabot sa P200 million ang magagamit na quick response fund dahil sa inaprubahang resolusyon.
Kabilang sa plano ng mga opisyal ay magsagawa ng cloud seeding operation, malapit sa water reservoir.