Nagtipon-tipon ang daan-libong mga fans sa puntod ni Michael Jackson sa California kasabay ng 10th death anniversary ng King of Pop.
Pasado alas-2:00 ng hapon sa Los Angeles o kaninang umaga oras sa Pilipinas, nang mag-alay ng isang minutong katahimikan sa private mausoleum nito sa Forest Lawn Cemetery.
Ito’y parehong oras umano nang sumakabilang-buhay si MJ noong June 25, 2009, sa edad na 50 matapos ma-overdose sa anesthetic propofol na iniinom nito bilang sleeping aid.
Sa ngayon ay puno ng mga rosas at sunflower na nakahugis puso at korona ang puntod ng “Beat It” hitmaker.
Sinasabing mga tagasuporta nito sa iba’t ibang bansa gaya ng Iran, Hungary, at Japan ay dumayo pa kung saan ito nakalibing para gunitain ang isang dekada nang pagpanaw nito.
At bagama’t 10 taon na ang nakakaraan, marami pa rin sa MJ fanatics ang emosyunal kung saan naiiyak ang mga ito habang inaawit ang “Heal the World” at hawak ang ilang posters.
May ilan din ang nagsuot ng signature “Thriller” outfit ni Jackson sa loob ng private mausoleum.
“A decade later, Michael Jackson is still with us, his influence embedded in dance, fashion, art and music of the moment. He is more important than ever,†saad ng Jackson estate sa 10th anniversary ng King of Pop.
Kung maaalala, taong 2011 nang ma-convict sa kasong involuntary manslaughter ang doktor ni MJ na si Conrad Murray. (photo from AP)