-- Advertisements --

Inaasahang papalayain ang humigit kumulang sa 3,000 hanggang 5,000 mga preso ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Jail Director Ruel Rivera, naggagawad ang jail management bureau ng full GCTA o Good Conduct Time Allowance para sa PDLs.

Ang GCTA ay ang pagbabawas sa sentensiya ng mga bilanggo na nagpamalas ng mabuting pag-uugali.

Sinabi din ng opisyal na ang piyansa para sa indigent PDLs ay nabawasan sa P10,000.

Maaaring gamitin ng mga preso ang proceeds o malilikom sa kanilang handicrafts na ginagawa habang nasa loob ng bilangguan para matustusan ang kanilang piyansa.

Ayon pa sa BJMP chief , mahigit 74,000 PDLs ang napalaya na ngayong taon kung saan karamihan ay napalaya sa pamamagitan ng GCTA habang tanging nasa 10,000 preso naman ang naisilbi na ang maximum na taon ng kanilang sentensiya.