Muling nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na manatiling sumunod sa Fire Prevention measures kaugnay ng pagkakatala ng 94 na insidente ng sunog sa unang apat na araw ngayong Fire Prevention Month.
Pinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang publiko na manatiling vigilant at gawin ang shared responsibility upang mapigilan ang pagkakatala ng mga untoward fire incident.
Hinimok din ng DILG chief ang bawat isa na magtulungan dahil naguumpisa aniya ito sa tahanan at establishimento.
Base sa latest data ng Bureau of Fire Protection (BFP) , nasa 7 ang namatay at P20.4 million ang naitalang damage to properies sa 94 na fire incidents na naitala mula March 1 hanggang 1 sa buong bansa.
Bagamat mas mababa ito kumpra sa mga naitalang insidente sa kaparehong period noong nakalipas na taon na umabot sa 161.
Nakikita na batay sa datos karamihan ng fire incidents ay accidental.
Ayon pa kay Ano nasa 994 o 46% ng kabuuuang fire incidnts sa buong bansa mula January 1 ay accidental habang nasa 470 cases naman dahil sa kapabayaan habang nasa 1400 mahigit naman na insidente ng sunog ang structural at 180 ay dahil sa vehicular fire cases.