Tinatayang 2.72 milyong pamilyang may mababang kita sa buong bansa ang maaapektuhan ng bagong pagtaas ng rate ng upa na ipinataw ng National Human Settlements Board (NHSB).
Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Henry Yap na ang mga pamilya lamang na nagbabayad ng P10,000 pababa ang sakop ng 4 na porsiyentong pagtaas ng upa na naaprubahan ng nasabing board.
Ang nasabing rate hike ay nagkabisa ang patakaran noong Enero 1 hanggang sa katapusan ng taon.
Sinabi ng opisyal na ang desisyon ay batay sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magtakda ng uniform maximum na pagtaas ng porsyento at iwasan ang hindi nararapat na pagtaas ng mga rate ng upa sa mga pamilyang may mababang kita.
Sinabi ni Yap na ang patakaran ay nirepaso at binago ayon sa pinakabagong empirical studies, tulad ng Annual Family Income and Expenditure Survey at Census of Population and Housing.
Ang average na kita ng mga pamilyang Pilipino mula Enero hanggang Disyembre 2021 ay tinatayang nasa P307,000 kada taon.
Dagdag pa, sinabi niya na ang bagong patakaran ay isang matinding pagbabago na naging win-win solution para sa mga nangungupahan at maylupa kumpara sa mga nakaraang rate cap na nahahati sa tatlong tier.