Nanganganib na mawala ang aabot sa 2,000 mula sa 56,000 species ng mga hayop.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, panungahing banta sa pagkawala ng naturang mga species ang pagkasira ng kanilang tirahan gayundin naapektuhan ang mga ito ng climate change, aktibidad ng mga tao at mga kalamidad.
Sa ngayon, nakatutok ang DENR sa pangangalaga sa 5 species kabilang ang Philippine eagle, marine turtles, sea cow o dugong, cockatoo at tamaraw.
Idinagdag din ng DENR ang pangolin na “most trafficked animal” sa conservation efforts ng ahensiya.
Samantala, nakikipagtulungan na aniya ang ahensiya sa pribadong sektor para makatulong sa pag-konserba sa 6 na itinuturing na most endangered species sa bansa.