-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot na sa 200 Pilipino ang nailikas mula sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na Russian invasion.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola nasa kabuuang 199 Pilipino sa Ukraine ang nakauwi sa bansa o nananatili sa ilang borders malapit sa Ukraine habang nag-aantay para sa kanilang repatriation.

Nasa 63 overseas Filipinos ang nakauwi na sa bansa nitong hapon ng araw ng Martes habang nasa anim na Pilipino ang nailikas naman patungong Poland, 33 ang kasalukuyang nasa Moldova , 73 sa Romania , 9 ang nasa Austria at 15 sa Hungary.

Nauna ng nakauwi sa bansa ang nasa 21 Filipino seaferers na nastranded sa may pantalan ng Odessa sa Ukraine nitong umaga ng Martes at ilang mga refugees na Filipino-Ukrainians ang ligtas na nailikas papunta dito sa bansa.

Maaalala na iniutos ng gobyerno ang mandatory evacuation ng mga Pilipino mula sa Ukraine matapos na ilagay ng DFA sa level 4 ang Crisis alert status sa Ukraine.