NAGA CITY-Nakumpiska sa Sariaya, Quezon ang pinaniniwalaang halos tatlong milyong pisong halaga ng ilegal na droga.
Kinilala ang suspek na si alyas Sharly, 43 anyos, residente ng Brgy. Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na inaresto ang suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Nang nagsagawa ng lawful search ang mga awtoridad, nakuha ng mga ito ang buy-bust money at isang pouch na may laman na dalawang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.
May bigat rin aniya na 130 grams ang nakumpiskang pinaniniwalaang ilegal na shabu, at nagkakahalaga ng ₱2,652,000.
Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Sariaya Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.