LEGAZPI CITY – Positibo ang resulta ng apat na magkakahiwalay na anti-drug operations sa lungsod ng Tabaco na nagresulta sa pagkaka aresto ng 12 katawo at pagkakakumpiskar ng P986, 000 halaga ng pinaniniwalaang shabu.
Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Catanduanes, Masbate at Albay sa isang drug den sa Brgy. San Roque kung saan naaresto ang drug den maintainer na sinda Manuel Bonaobra at mga bisitang sinda Arnel Vuella, Hubert Loyola, Ruben Bayrente, Ronald Ruiz at Wailan Bonaobra.
Nakuha sa mga ito ang nasa 11 pakete ng suspected shabu na tumitimbang ng 50 grams at market value na P340,000 at iba pang drug paraphernalia.
Hindi naman nakatakas sina Jose Boyon Madronio, drug den maintainer at bisitang sinda Dante Dular Ivita alyas “Acero”, Jesus Abaualdo, Alwin Abaualdo at Rodel Moises na pawang high value target (HVT) sa isa pang drug den sa Purok 4, Brgy. Sto Cristo.
Nakumpiska sa mga ito ang nasa 10 grams ng suspekted shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Arestado rin sina Richard Bonaobra sa bahay nito sa Purok 4, Brgy San Roque matapos ang implementasyon ng search warrant at nakuha ang 10 sachets ng kaparehong substance na nagkakahalaga ng P408,000.
Samantala, wala naman si Illuminado De Los Santos na isang newly-watchlisted personality ng isagawa ang paghahain ng search warrant subalit nakuha ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170, 000.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.