-- Advertisements --
image 718

Nagpatupad ng search warrant ang National Bureau of Investigation-NCR na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit 74 milyong pisong halaga ng mga pekeng baterya, charger at iba pang gadget sa isang warehouse sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay NBI-NCR Regional Director Attorney Rommel Vallejo, isa sa dahilan ng mga nagaganap na sunog at pagsabog ng mga chargers ay ang illegal na mga batteries.

Ang NBI-NCR, sa pakikipagtulungan sa kumpanya ng mga cellphone, ay nagawang mapatunayan ang mga produkto sa pamamagitan ng pagsuri sa serial number at packaging ng mga items.

Ang may-ari ng warehouse ay mahaharap sa mga kaso para sa Trademark Infringement, na isang paglabag sa ilalim ng Intellectual Property Rights Law.

Sa ngayon, nagbibigay ng babala ang NBI sa publiko na huwag magpakampante sa mga murang bilihin at piliin ang dekalidad ng mga produkto upang masiguro ang kaligtasan.