-- Advertisements --

Hindi na kakailanganin ng Pilipinas na mag-angkat ng masyadong maraming asukal sa susunod na taon kapag naging paborable ang lagay ng panahon.

Ito ang naging tugon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isinagawang deliberasyon ng Committee on Appointments sa kaniyang appointment nang tanungin ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta kung mag-aangkat ang bansa ng 500,000 metrikong tonelada ng asukal sa 2024.

Paliwanag pa ng kalihim na medyo marami na ang inangkat na asukal kayat maraming stocks ngayon sa mga merkado.

Posible naman na limitahan na lamang sa 200,000 metric tons ang aangkating asukal sa susunod na taon sakaling hindi salantain ang bansa ng anumang kalamidad baae sa assesament ng DA at SRA.

Pinayuhan naman ng mambabatas si DA chief Laurel na i-audit ang sugar mills na hindi episyente dahil mula sa 27 sugar mills sa bansa tanging 5 lamang ang gumagana. Ito ay para maitigil na rin aniya ang pag-aangkat ng asukal sa bansa.

Top