Naghain ng not guilty plea ang American rapper na si A$AP Rocky sa assault case na kinakaharap nito sa Swedish court.
Binasa ni Swedish public prosecutor Daniel Suneson ang kaso laban sa 30-anyos na rapper o Rakim Mayers sa tunay na buhay at dalawa nitong kasamahan.
Ayon kay Suneson na inatake ng grupo ni Mayers ang biktima kahit na ito ay nahiga na sa lupa.
Sinabi pa ng biktima sa korte na nagtamo ng sugat sa ulo, braso at ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Nagmatigas ang abogado ni A$AP Rocky na si Slobodan Jovicic na inosente ang kliyente nito at walang ginawang anumang krimen.
Magugunitang halos isang buwan ng nakakulong sa Sweden ang rapper dahil sa pananakit.
Sakaling mahatulan ito ay mapapatawan ng dalawang taon na pagkakakulong.
Nauna rito hiniling ng kapwa singer kay US President Donald Trump na tulungan itong makalaya sa pagkakakulong subalit ipinagbabawal sa Sweden ang panghihimasok ng sinumang pulitiko sa korte.