-- Advertisements --

Pumirma ng apat na taong extension sa Denver Nuggets ang forward na si Aaron Gordon.

Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $133 million at kalakip ang 2028-2029 trade kicker, isang probisyon sa kontrata ng mga NBA player kung saan babayaran ng isang team ang player nito kapag na-trade sa ibang team.

Si Gordon ay isa sa mga miyembro ng Denver na nagbulsa ng championship noong 2023, kasama sina Nikola Jokic, Jamal Murray, at Michael Porter Jr.

Nakatakda sana siyang pumasok sa free agency sa susunod na taon kung hindi tinanggap ang extension sa Denver.

Siya ay nakuha ng Nuggets mula sa Orlando Magic noong 2021.

Mula nang nagsimula siyang maglaro sa Nuggets, nagawa niyang magpasok ng 14.5 points per game sa pamamagitan ng 54.2% shooting.

Siya rin ang nagsisilbing guwardiya ng pinakamagaling na offensive player ng bawat team na makakalaban ng Denver sa loob ng apat na taon.