Kinumpirma ni DILG Secretary Benhur Abalos, na wala pa siyang inirerekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na posibleng pumalit sa kanya kasunod ng pagkakasama sa senatorial ticket ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Sa panayam kay Abalos kaniyang sinabi na pag- uusapan pa kung sino ang maaaring pumalit bilang kalihim sa DILG kasunod ng pagtakbo nito sa pagka – Senador sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Abalos,bagamat wala siyang inirekumenda sa Presidente, may mga pangalan na aniya siyang nadidinig na maaari niyang maging successor.
Aniya, bahala na ang Pangulo na magbahagi sa kung sino ang maaaring maging sumunod na kalihim ng DILG.
Nakatitiyak aniya si Abalos na kung sinoman ang papalit sa kanya ay lubos na pinag- isipan lalot napakalawak ng responsibilidad na hahawakan ng DILG Secretary.
Kasama si Abalos sa inanunsiyo ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na kabilang sa senatorial slate ng coalition.