Tahasang sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante si dating Pangulo Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay naging killing field ng mga drug suspects at mga inosdenteng sibilyan sa loob ng anim na taon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
“Naging killing field po ang ating bansa. Talo pa natin ang Mexico at Columbia, kung saan not more than 10,000 ang namatay,” pahayag ni Abante.
Sinabihan din ni Abante si Duterte na isang Baptist pastor at chairman ng committee on human rights, binoto nito si Duterte at ang buong Baptist Church sa kaniya nuong 2016 presidential election.
“We believed in you, we believed in your plan, despite not knowing you from Adam,” giit ni Abante.
Ayon kay Abante sinuportahan din nila ang war on drugs ng dating Pangulo subalit nadisyama sa kalaunan dahil libu libong mga Filipino ang nasawi sa operasyon.
Inulit din ng Kongresista na nangako ang dating Pangulo na tapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.
“Pero inabot po kayo ng anim na taon. Hanggang ngayon, meron tayong war on drugs. Hindi namin akalain kung bakit kinailangang pumatay ng libu-libong Filipino, more than 30,000 in fact. Sa more than 30,000, 7,000 lang ang drug suspects,” pahayag ni Abante.
Sinabi ni Abante na ang mga assasins ay hinikayat na pumatay ng drug suspects at mga inosenteng sibilyan dahil sa reward system na ibinibigay ng Duterte administration.
Nabatid na hanggang P1 million ang inaalok na reward para sa mga assassination ng high-value suspect.
Nagpasalamat naman si Abante sa pagdalo ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
“Rest assured po that Congress recognizes your role as our former president, and we will extend to you the respect that the position deserves,” wika ni Abante.
Binigyang-diin ni Abante na ang Quad Comm members ay dapat maging respectful subalit hindi pwede deferential.
“It is important to stress that respect and deference are two different things. It is vital that we, as representatives of the people, remember that distinction, because our ultimate allegiance is not to any one individual, no matter how high their office. We answer to a power greater than any president – we answer to the Filipino people and to God,” dagdag pa ni Abante.
Umaasa si Abante na ang dating Pangulo ay tutulong sa Quad Comm na alamin ang katotohanan sa likod ng extrajudicial killings sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nagbabala naman si Abante sa dating Pangulo na huwag magmura sa pagdinig.
“I will not hesitate to raise a point of order, if you do that Mr. President. We are not here to give you obeisance or obedience. You should give us equal respect as we give you equal respect today (Wednesday),” pahayag ni Abante.