Nagmosyon si Abang Lingkod Rep. Stephen Caraps Paduano na abisuhan ang Bureau of Immigraton (BI) para mapigilan ang posibleng paglabas sa bansa ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Ito’y matapos muling na cite-in-contempt ng House Quad Committee si Roque dahil sa hindi pagsumite sa mga dokumento na pina subpoena ng Komite.
Inatasan ng Komite na iditine si Roque sa facility ng House of Representative hanggat hindi nito isinusumite ang mga hinihinging dokumento hanggang matapos ang pagdinig ng Quad Committee.
Samantala, tahasang tinawag ni Manila Rep. Bienvenido Abante na doble kara si Roque.
Partikular na tinukoy ni Abante ang naging pahayag ni Roque sa isang social media post matapos siya maditine sa House of Representative dahil sa pagsisinungaling.
Batay sa post ni Roque na ang pag contempt sa kaniya ng Quad committee ay isang abuse of power at political harassment para sa isang kritiko ng Marcos administration.
Binigyang-diin ni Abante na hindi dapat palagpasin ang nasabing ugali, dahil naging mabait sa kaniya ang Komite.
Dahil sa naging pahayag ni Roque maaari din itong maging grounds para i cite in-contempt.