-- Advertisements --

Pumanaw na sikat na sportscaster at boxing executive na si Ed Picson sa edad 69.

Kinumpirma ni Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo ang pagpanaw ng kanilang pangulo.

Sinabi pa ni Manalo na hindi na nakayanan pa ni Picson ang dinaranas nitong liver cancer.

Nakilala si Ticson bilang commentator ng PBA at naging pangulo ng ABAP.

Bumuhos naman ng pakikiramay at pagdadalamhati mula sa iba’t
sports personalities at mga sports officials.