-- Advertisements --

Tiwala pa rin ang Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) na makakapasok pa rin ang mga boksingero ng bansa sa Tokyo Olympics.

Kasunod ito ng anunsiyo ng International Olympic Committee Boxing Task Force (BTF) na pagkansela ng world qualifiers sa Paris dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil aniya sa kanselasyon ay ibabase na lamang sa mga ranking ng mga boksingero ang papayagang makasali sa boxing event sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni ABAP secretary-general Ed Picson, na malaki ang tsansa na makapasok sa Tokyo Olympics sina flyweight boxer Carlo Paalam at women’s featherweight world champion Nesthy Petecio.
Inaasahan na iaanunsiyo ng BTF ang mga kuwalipikadong boksingero sa buwan ng Marso.