-- Advertisements --
Ikinasal na ang ABBA singer na si Björn Ulvaeus sa kaniyang partner na si Christina Sas.
Sa social media account ng 79-anyos na songwriter at gitarista ng Swedish band, kinumpirma nito ang kaniyang pagpapakasal.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Herning, Denmark kung saan ang seremonya ay pinangunahan ng komedyanteng si Sandi Toksvig.
Nagkakilala ang dalawa noong 2021 sa Nuremberg City, Germany kung saan nagkaroon sila ng paglabas ng album ng banda.
Unang ikinasal si Ulvaeus sa bokalista ng banda na si Agnetha Faltskog noong 1971, at noong 1981 at ikinasal naman ito kay Lena Kallersjo matapos nito ay naghiwalay sila noong 2022 ang taon kung saan nabuo muli ang ABBA.
Mayroon ng apat na anak si Ulvaeus na tig-dalawa sa mga naunang asawa.