Inirereklamo ng Swedish pop superstars na Abba ang paggamit ni dating US President Donald Trump ng kanilang kanta sa kampanya nito.
Ayon sa grupo na maging mga music videos ng kanilang mga kantang “The Winner Takes It All”, ” Money, Money, Money” at “Dancing Queen” ay ginagamit ni Trump sa kaniyang mangagampanya sa Minnesota noon pang Hulyo.
Ang nasabing mga kanta at music vdieo ay hindi umano ipinagpaalam ng kampo ni Trump na ito ay kaniyang gagamitin.
Hiniling ng grupo at kasama ang kanilang record label na tanggalin na at hindi na patugtugin pa ang kanilang kanta sa campaign trail ng dating pangulo.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na inireklamo ang dating pangulo ng mga musikero ng iligal na paggamit ng kanta nila dahil ilan sa mga dito ay ang mga bandang Foo Fighters, REM, Rolling Stones, singers na sina Celine Dion, Isaac Hayes, Adele at Sinead O’Connor.