-- Advertisements --
Pininturahan ang sikat na kalsada sa London ang Abbey Road.
Isinagawa ito matapos ang ipinatupad na lockdown sa United Kingdom.
Sa ordinaryong araw kasi ay hirap ang gobyerno ng London na ayusin ito dahil sa dami ng mga turista na nagtutungo doon.
Ang nasabing Abbey Road ay sumikat matapos na lumabas sa cover ng legendary band na ‘The Beatles’ kung saan sila ay tumatawid sa pedestrian lane.
Ayon kay John Penrose, minister for Tourism and Heritage noon na ang London zebra crossing ay hindi palasyo o simbahan pero laking pasalamat sa The Beatles dahil sa 10-minutong photoshoot noong Agosto 1969 ay nakilala na ito at sumikat na ang lugar.