-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga pulisan hinggil sa pagkakakilanlan ng mga nakatakas na suspek na responsable sa pamamaril sa isang barangay kapitan at dalawa nitong kasama sa Salvador, Gutalac, Zamboanga Del Norte nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Justin Quimbo, barangay kapitan at kasalukuyang Association of Barangay Captain president ng nasabing lugar, Joel Legasa, at Moreto Atong.

Base sa report, magkasama umano ang tatlo nang bigla silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na nakasakay sa itim na motorsiklo.

Masuwerte namang walang nasugatan sa mga biktima matapos ang nangyaring pamamaril.

Nakuha mula sa crime scene ang limang basyo ng .45-caliber pistol.