-- Advertisements --
Abe

Duda pa rin si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na matutuloy na ang Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Sinabi nito na hangga’t hindi pa tuluyang masasawata at mayroon pang naitatalang nahahawan ng coronavirus ay may posibilidad pa rin itong hindi matuloy ang Olympics.

Nais kasi nito na walang inaalala ang mga atleta at mga tao na manonood na sila ay mahawaan pa ng nasabing virus.

Magugunitang ipinagpaliban ang Tokyo Olympics ngayong taon na gaganapin sana sa buwan ng Hulyo.

Umaabot na sa mahigit 13,000 ang nahawaan ng virus at mayroong mahigit 400 na ang nasawi sa nasabing bansa.