TUGUEGARAO CITY- Dapat na ipaliwanag ng Commission on Elections ang mga aberya sa bilangan ng mga boto
Reaksion ito ni Magdalo Party-list Representative at natalong senatoriable na si Gary Alejano sa nangyaring biglang pagtigil ng resulta ng botohan ng ilang oras matapos na maglabas ng paunang resulta
Sinabi ni Alejano na bagamat mahirap mag-conclude na may nangyaring dayaan dahil sa nasabing pangyayari ay hindi maiwasan na may mga magdududa sa resulta ng halalan dahil sa nasabing insidente
Sinabi pa ni Alejano na kung tunay ngang malinis ang katatapos na halalan, ang dapat na pagtutuunan ng pansin ay pagbibigay ng edukasyon sa mga mamamayan tungkol sa sistema ng halalan sa bansa
Umaasa si Alejano na sana ay pagtuunan ng mga nasa pwesto at mga bagong halal na mga mambabatas na tutukan ang soberenya ng ating bansa, agriculture sector at ang kahirapan
Samantala,sinabi ni Alejano na bagamat talo siya sa halalan ay itinuturing pa rin niya na nagkaroon siya ng magandang laban
Bukod dito, sinabi niya na marami siyang natutunan sa panahon ng pangangampanya dahil sa kanyang mga nakasalamuha at naniniwala siyang nakapagbigay siya ng pag-asa sa mga mamamayan