-- Advertisements --
Elon Musk
Elon Musk

Aayusin na ni Tesla CEO Elon Musk ang naging problema sa bagong Cybertruck.

Sa paglunsad ng nasabing sasakyan sa Design Studio sa Hawthrone, California ay ipinagmalaki nito na hindi mababasag ang nasabing salamin nito.

Subalit ng batuhin ng metal ball ang salamin nito ay bigla itong nabasag.

Dito ay sinabi ni Musk na kaniya ng aayusing mabuti ang nasabing problema.

Itinuturing na ang nasabing truck ay kahalintulad ng DeLorean truck mula sa pelikulang “Back To The Future”.

Mabibili ang nasabing truck sa halagang $39,900 o halos P2-milyon.