CEBU CITY – Opisyal ng inilunsad kagabi, Agosto 22, ng Mactan Cebu International Airport ang Abiba Sugbo na naghahangad na makakuha ng award mula sa Skytrax para sa Best Airport Staff.
Ang Skytrax ay ang pinakaprestihiyosong award-giving body sa industriya ng aviation.
Dumalo sa kaganapan si Cebu Gov. Gwen Garcia, kasama ang mga delegasyon mula sa St. Petersburg at marami pang mga lokal na opisyal.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Julius Neri Jr., General Manager at CEO ng Mactan Airport, na ang naturang paglulunsad ng Abiba Sugbo ay ang pagsisimula ng kanilang pagnanais na maging isang tunay na world class ang paliparan – hindi lamang best airport sa bansa kundi maging sa Asya at sa buong mundo.
Sinabi pa ni Neri na pagsisikapan nila itong mabuti upang makamit gayunpaman, kinailangan pa nito ang kooperasyon ng lahat.
Ang pagkapanalo pa ng Skytrax award para sa Best Airport Staff ay hindi lamang magpapahusay sa pandaigdigang reputasyon ng paliparan ngunit magpapaangat din sa katayuan ng nito bilang pangunahing gateway sa Asia-Pacific region.
Samantala, kasabay din sa aktibidad, ibinida ni Neri na binigyan sila ng 4 star rating ng Skytrax para sa kanilang international terminal 2 sa unang bahagi ngayong buwan.
Aniya, isa pa itong makasaysayan dahil ang Mactan airport ang tanging paliparan sa bansa na nakakuha ng ganoong pagkilala.
Dapat ding magsilbi ang ang naturang award upang mag-udyok sa buong komunidad ng paliparan na i-level up ang kanilang pamantayan ng serbisyo sa mga biyahero.
Nanalo na rin ito ng ilang international na parangal kabilang ang Asia’s Best Airport sa Airport and Destination Marketing sa ilalim ng 5 million passenger category noong 2023.