-- Advertisements --

Mahigpit na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang lahat ng mamamayang Pilipino na umalis kaagad sa Lebanon habang nananatiling operational ang paliparan.

Pinapayuhan din ang lahat ng mga Pilipino na unahin ang kanilang kaligtasan at umalis ng bansa sa lalong madaling panahon.

Kung hindi umano makaalis sa Lebanon, lubos na inirerekomenda na lumikas na lamang sa mas ligtas na mga lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.

Ang babala ay kasunod ng inaasahang pagtindi pa ng sigalot sa pagitan ng Lebanon at Israel, pati na ang iba pang kaalyado ng mga ito.