-- Advertisements --

Umabot na sa 30 lugar ang apektado ng ashfall o abo mula sa pagsabog ng bulkang Kanlaon sa Negros Island base sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa DENR- Environmental Management Bureau (EMB) Western Visayas, naitala ang ashfall sa Negros Occidental partikular sa La Castellana, La Carlota City, Bago City, Murcia, Pontevedra, San Enrique, Hinigaran, Valladolid, Pulupandan at Moises Padilla.

Apektado din ang mga lugar sa Guimaras particular na sa Nueva Valencia, Sibunag, San Lorenzo at Jordan.

Gayundin sa Iloilo, lalo na sa Iloilo City, Pavia, Oton, Tigbauan, Igbaras, Guimbal, Miag-ao, at San Joaquin at 7 pang mga lugar sa Antique.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang EMB Western Visayas sa mga apektadong residente na maaaring magresulta sa respiratory problems ang pagkakalantad sa ashfall gaya ng iritasyon sa mata, balat at injury.

Dapat aniya na limitahan muna ang mga outdoor activities particular nasa mga bata, matatanda at may respiratory issues.

Inaabisuhan din ang mga apektadong residente na maagsuot ng N95 mask at googles kung kinakailangan talagang lumabas at magsuot ng may mahabang manggas para maproteskyunan ang balat.