Kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay ngayong Abril 4, ay siya namang itinakda ng paghahatid sa huling hantungan ng abo ng Original Pilipino Music (OPM) icon na si Claire dela Fuente.
Ito’y ilang araw matapos agad na ma-cremate ang kanyang labi nitong March 31, kasunod ng pagpanaw dahil sa cardiac arrest at pagpositibo rin sa Coronavirus Disease (COVID).
Ayon sa anak ni Claire na si Gregorio “Gigo” de Guzman , kahit nais niyang katabi lamang sa kanyang pagtulog ang abo ng ina ay mas magiging masaya ito kung makakatabi ang puntod ng kabiyak.
“Tonight is the last night I get to spend with my mom here in my room… Her urn sits on my bedside table. I feel comfort having her beside me. At the same time, I don’t want her to be alone in our living room. She never liked sleeping alone. But on Monday, she’ll finaly get to rest beside my dad. Til then, I want to keep her company. (heart emoji)” saad nito sa kanyang IG story nitong Sabado.
Kaninang umaga ay isang online memorial service ang idinaos para sa mga tagahanga at malalapit na kaibigan ng “Jukebox Queen.”
Kung maaalala, isa si Gigo sa mga naugnay ang pangalan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Namayagpag ang karera ni Dela Fuente noong dekada ’70 at ’80 kasama ang mga kasabayang sina Imelda Papin at Eva Eugenio.
Siya rin ang nagmamay-ari ng Philippine Corinthian Liner Corp. bus company at ilang sea food restaurant.