-- Advertisements --

CAUAYAN CITY– Naging emosyunal ang anak ni Dating Senador Heherson Alvarez sa pagsasalaysay sa Bombo Radyo Cauayan sa pinagdaanan ng kanilang pamilya bago binawian ang ama dahil sa COVID 19 sa Maynila

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dating Sangguniang Panglunsod Member Hexilon Alvarez ng Santiago City, isinailalim sa experimental convalescent plasma ang ama si Dating Senador Heherson Alvarez.

Sa una ay naging maganda anya ang resulta sa loob ng 20 hours subalit nagkaroon ng massive organ failure ang ama sanhi para bawian ng buhay.

Bago nito ang sumailalim din ang ama sa dialysis bago nagkaroon ng organ failure.

Nagpapasalamat din siya sa mga gumaling ng COVID 19 na nagdonate ng dugo para sa kanyang ama.

Sinabi pa niya na siya ang inatasang kumuha sa labi ng kanyang ama at saksihan ang cremation ng kanyang ama.

Sa ngayon ay balak iuwi ang mga abo ng dating Senador at Lunsod ng Santiago at sa kapitolyo upang masilayan ng mga Isabelinio.

Naghain na rin anya ng resolution si Senador Migz Zubiri upang bigyang pagpupugugay ng Senado kapag natapos na ang lockdown.