-- Advertisements --

madlos2

Nai-turn over na ng pamahalaang lokal ng Impasugong, Bukidnon sa pamilya ni NPA leader Jorge Madlos alyas Ka Oris ang kanyang abo.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperon, Major Francisco Garello Jr., pinangunahan ni Impasugong Mayor Anthony Uy ang isang simpleng turn-over sa abo ni Ka Oris sa kanyang nakababatang kapatid na si Rito Madlos sa municipal hall ng probinsya.

Bumiyahe pa si Madlos mula Surigao City patungong Bukidnon para lamang kunin ang abo ng kapatid na nagpositibo sa COVID-19.

Bago nito, nagkaroon ng misa para kay Ka Oris at nag-abot din ng tulong pinansyal ang Impasugong LGU sa kanyang kapatid.

Nagpasalamat naman si Madlos sa tulong ng mga awtoridad.

Aminado itong taong 2014 pa niya huling nakita ang kapatid.

Samantala, naibigay na rin sa pamilya ni NPA National Operation Command staff Eighfel Dela Peña alyas Pika/Maui ang kanyang abo.