-- Advertisements --

CEBU CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang abogado matapos umano itong nag-post ng hindi berepikadong balita sa social media kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nitong Marso 28, Sabado, nang madakip ang suspek na si Atty. Rommel Rosito, 50-anyos na nakatira sa Barangay Basak Pardo sa Lungsod ng Cebu.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaniwalaang inilantad ni Atty. Rosito ang mga pangalan ng diumano’y nahawaan ng COVID-19 pati ang pagamutan kung saan sila nagpapagaling.

Sa isang pahayag, tiniyak ni Police Regional Office-7 director B/Gen. Albert Ferro na makukulong ang sinumang mag-post ng mga “fake news” at sensitibong impormasyon ng pasyenteng nahawaan ng nakakamatay na virus.

Nahaharap ang naturang abogado sa kasong paglabag sa Republic Act 1132 o “mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act” at Cybercrime Prevention Act.