Binawian ng lisensya ng Supreme Court (SC) ang isang abogado dahil sa paulit-ulit na pangangaliwa.
Unang inamin ng lalaking abogado na nagkaroon siya ng tatlong karelasyon habang kasal sa kaniyang asawa.
Ikinasal pa siya uli sa ibang babae at nagkaroon ng dalawang anak.
Bukod dito, inamin din niyang pinakitaan niya ang kanyang kasambahay at sekretarya ng mga mahahalay na larawan at nakipag-usap sa kanila tungkol sa maseselan na bagay.
Para sa Korte Suprema, maituturing ang mga ito na “grossly immoral conduct” sa ilalim ng bagong Code of Professional Responsibility and Accountability.
Disbarment ang sentensiya para sa unang dalawang kaso habang suspension naman para sa huling dalawang kaso.
Pero dahil isang pagkakataon lang maaaring ma-disbar, pinagmumulta pa ang abogado ng mahigit P400,000.