-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umalma ang abogado na tinuro ng self-confessed former rebel at ngayon ay government whistleblower na si Jeffrey Celis na umano’y recruiter ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Joebert Pahilga, sinabi nito na pawang kasinungalingan ang binitawang salita ni Celis na recruiter umano siya ng rebelde.
Ayon kay Pahilga, pareho silang nag-aral ni Celis sa West Visayas State University at hindi umano siya sumali sa anumang grupo ng mga rebelde.
Hinamon naman ng abogado ang whistleblower na maglabas ng ebidensya at huwang mag-imbento ng kwento upang magpasipsip sa militar.