GENERAL SANTOS CITY – Malaki ang paniniwala ni Atty Luiz Salazar isang abogado dito sa lungsod na mabigyan ng hustisya kay Cristene Angelica Dacera ang flight attendant na ginahasa at pinatay sa isang hotel sa Makat.
Ayon sa abogado na on track umano ang pulisya sa ginagawang imbestigasyon matapos nakuha kaagad ang kopya ng CCTV at kaagad nahuli ang tatlong suspek.
Pinuri din nito ang pulisya na nakagawa kaagad ng preliminary investigation sa mga nahuling suspek.
Bilang abogado at dati Pulis na nadestino sa investigation division trust and confidence sa ginagawang imbestigasyon.
Para sa kanya hinde lang sana pinalabas ang lahat ng ebedinsya laban sa mga suspek dahil nagpatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon para madiin ang mga suspek sa ginawang conspiracy habang inaalam ang partisipasyon sa bawat isa sa kaso.
Matatandaan sinabi ni Col. Harold Depositar, hepe ng Makati City Police Office na kasong Rape with Homicide ang kanilang isasampa sa piskalya laban sa mga suspek.