-- Advertisements --
Mariing inalmahan ni Atty. Kristina “Krissy” Conti ang alegasyon ni dating press secretary Rigoberto Tiglao na nakatanggap siya ng P8 million para lamang likumin ang mga akusasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kasi kay Tiglao, kahit ano na lamang ang kinukuha ni Conti para lang magmukhang malakas ang reklamo ukol sa “war on drugs” ng dating administrasyon.
Pati raw sabi-sabi ay kinukuha ng abogada, katumbas ng P8 million na kikitain nito sa ICC.
Pero ayon kay Conti, walang basehan ang mga pahayag ng dating press secretary at lalong wala siyang ganun kalaking pero.
Pahabol pa nito, wala siyang maipapautang na ganitong pera dahil hindi naman daw totoo ang sinasabi ng dating kalihim ng Arroyo administration.