Iginiit ng abogado ng limang Chinese national suspect na nahuli sa POGO raid sa Las Piñas na nagkataon lamang na naroon sa lugar ang kanilang kliyente ng isagawa ang operasyon.
Saad pa nito na bumisita lamang ang kanilang kliyente sa naturang hub.
Ginawa ng abogado ng limang chinese suspect ang pahayag matapos na maghain ang mga ito ng kanilang kontra salaysay sa Department of Justice.
Sila ay isinasangkot sa human trafficking na umanoy naganap sa raid sa Philippine Offshore Gaming Operators hub sa Las Piñas City noong Hulyo 27.
Kung maaalala, naghain ng reklamo ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group laban sa mga suspect.
Nakatakda ring magsumite ng mga karagdagang ebidensya ng PNP-CIDG na magpapatunay sa mga naging paglabag ng mga suspect sa immigration.
Samantala, naka schedule naman ang pagdinig hinggil sa naturang reklamo sa Agosto 30 ng kasalukuyang taon.