Desidido ang mga abogado ng gobyerno ng Australia na pauwiin si Serbian tennis star Novak Djokovic.
Ibinunyag pa din nila na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine ang 34-anyos na Australian Open defending champion.
Hindi rin tinanggap nila na kaya humingi ng medical exemptions ang abogado nito dahil umano mayroon siyang naranasang ng infections.
Iginiit naman ng abogado nito sa pamamagitan ng 35-pahinang dokumento na tumugon sila sa criteria ng vaccine exemption certificate dahil sa COVID infections.
Magugunitang hindi pinayagan ng makaalis sa immigration ng Australia si Djokovic kahit na ito ay nakakuha na ng medical exemptions na inalmahan ng kanilang gobyerno dahil mahigpit na pinagbabawal ang mga dayuhan na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.