-- Advertisements --

Naniniwala ang abogado ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na sasagutain ng tama nito ang mga kaso at akusasyon sa kaniya.

Sinabi ni Atty. Stephen David, na may kakayahan ang kaniyang kliyente na sagutin ang nasabing alegasyon.

Nanindigan ito na si Guo ay inosente pa hanggang ito ay napatunayan.

Nanawagan din ito sa publiko na iwasan ang anumang negatibong komento sa kaniyang kliyente.

Una ng naaresto si Guo sa Indonesia kasama ang Chinese monk kung saan ito ay tinulungan umano ng dating pulis sa China para makatakas sa Pilipinas.