-- Advertisements --

Sinuspendi aa pag-practice ng kaniyang pagiging abogado sa New York si Rudy Giuliani ang dating legal counsel ni ex-President Donald Trump.

May kaugnayan ito sa maling impormasyon na kaniyang ipinakalat noong 2020 elections.

Ayon sa New York appellate court na mayroong uncontroverted evidence silang nakita na puro kasinungalinan ang sinasabi ni Giuliani tungkol sa bilang ng mga absentee ballots na pabor kay Trump.

Tinawag naman ni Guilani na walang kuwenta ang nasabing desisyon ng korte sa kaniya.