-- Advertisements --
Nagmatigas ang personal lawyer ni US President Trump na si Rudy Giuliani na hindi ito makikipagtulungan sa impeachment inquiry ng US House of Representatives.
Sa sulat na ipinadala ng abogado ni Giuliani, na si Jon Sale, nakapaloob na hindi sila makikibahagi sa impeachment dahil ang pagdinig daw ay iligal.
Ang nasabing subpoena ay wala rin umanong kuwenta at iligal.
Ipinaggitgitan pa nito ang kahalagahan ng “attorney-client privilege.”
Magugunitang inimbitihan ng House Intelligence Committee ang dating mayor ng New York para magbigay ng dokumento na may kinalaman sa pag-uusap sa telepono ni Trump at Ukrainian president.