Tinawag ng abogado ni dating US President Donald Trump na ang ginagawang impeachment sa dating pangulo ay isang uri ng paghihiganti.
Sa patuloy na 2nd impeachment trial ni Trump, ipinagtanggol nila ang mga negatibo at tila ginawang paghikayat ni Trump sa mga supporters nito kaya nilusob nila ang Capitol Hill.
Sinabi ni Michael van der Veen na hindi pinabayaan ni Trump ang nangyaring riot.
Sa katunayan aniya ay inatasan niya ang mga kapulisan na pigilan ang kaguluhan.
Pinuna din nito ang ginagawang impeachement trial ng mga mambabatas.
Matapos ang presentation ng mga abogado ni Trump ay ginisa sila ng mga senador.
Ipinagigiitan ni Texas Rep. Joaquin Castro ang impeachment manager na may kinalaman si Trump sa nangyaring kaguluhan kung saan alam niya ang ginagawang paglusob ng mga supporters niya sa Capitol hills.
Tiniyak naman ng mga mambabatas na tapusin nila hanggang sa Lunes ang nasabing impeachment trials.