-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Dinakip ang isang abogado na wanted sa kasong pagpatay sa Brgy. Man-up, Altavas, Aklan.

Hinuli si Freddie Ofialda, 54, sa kanyang bahay sa naturang lugar, ngunit dahil sa nakaranas ng stroke ay agad itong nagpa-hospital arrest sa Capiz Doctor’s Hospital.

Si Ofialda ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Nelson J. Bartolome ng Regional Trial Court, Branch 8, Kalibo, Aklan na may petsang Hunyo 20, 2019.

Siya ay nahaharap sa kasong murder at walang itinakdang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Lilitisin ang kaso ni Ofialda sa oras na makalabas ng ospital.

Sangkot ang abogado at si dating SPO2 Ronquillo Algarne Jr. sa pagpatay kay dating Cabangila, Altavas Punong Barangay Ruel de Blas noong 2004 dahil sa away sa lupa.

Nakatalaga siya sa Provincial Prosecutor’s Office ng Capiz.