Dahil sa pagiging ganid, tuluyan nang dinisbar ng Supreme Court (SC) ang isang abogado.
Una nang nasuspindi ang abogadong si Atty. Elmer A. Dela Rosa noong 2016 dahil sa paghiram ng pera sa asawa ng kanyang mga kliyente.
Pero sa ngayon, sa ginawa ng abogado, apektado ang Client-Cooperative at farmer-beneficiaries.
Una rito, taong 1997 kinuha ng Palalan CARP Farmers Multi-Purpose Cooperative si Atty. Dela Rosa sa civil case sa annulment ng Transfer Certificate of Title ng 111.4 hectare na lupain sa Barangay Lumbia, Cagayan De Oro City na nakapangalan sa kooperatiba.
Noong 2002, nag-execute ang kooperatiba ng special power of attorney (SPA) na nag-ootorisa kay Atty. Dela Rosa na umaksiyon sa lupain pero ni-revoke din noong 2007.
Pero sa kabila ng revocation ng SPA, naging ahente pa rin si Dela Rosa para maibenta ang naturang property.
Nang naibenta ang property ay binayaran niya ang farmer-beneficiaries sa kani-kanilang shares.
Pero sa kabila nito, sinabi ng SC na mayroong halong corrupt intent ang ginawa ng abogado at hindi isinaalang-alang ang ethical rules.
Sa 13-page per curiam decision ng SC lumalabas na guilty si Dela Rosa sa gross misconduct na paglabag sa Code of Professional Responsibility.
Dahil dito, inatasan ng SC ang Office of the Bar Confidant (OBC) na tanggalin na ang pangalan ni Dela Rosa sa Roll of Attorneys.
Ayon sa Integrates Bar of the Philippines (IBP)-Board of Governors, mas pinili ni Atty. Dela Rosa na protektahan ang kanyang personal pecuniary interest imbes na ang interest ng kanyang kliyente at mga miyembro nito.