-- Advertisements --

Nakahanda umano ang abogadong nag-notaryo ng sworn affidavit ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na panindigan ang mga nauna niyang pahayag na nakaharap niya ito, taliwas sa sinasabi ng ilang senador na nakalabas na ito ng bansa.

Ayon kay Atty. Elmer Galicia, personal na pinanumpaan ng dismissed mayor ang salaysay nito sa kanyang tanggapan.

Giit nito, ginagampanan lamang niya ang kanyang trabaho bilang notary public at hindi naman niya maaaring itaboy ang isang tao dahil lamang sa pagiging kontrobersyal nito.

Hindi naman nagbigay ng iba pang komento ang abogado ukol sa mga nagsasabing nasa ibang bansa na ang sinibak na alkalde dahil may kani-kaniya umano silang pinanghahawakang basehan.

Posible namang ipatawag si Galicia sa ilang pagdinig ng Kamara at Senado para magbigay ng impormasyon ukol sa mga dokumentong ipina-notaryo ng kampo ni dating mayor Guo.